Saturday, August 29, 2020

Isang Kasabik-sabik na Paraan para Makasangkot sa Pagsaksi

 Panimula: Agosto 29 - Sabado ng Hapon:: Tayo ay mga nilalang na nakikisalamuha. 

Nilikha tayo ng Diyos para sa pagsasama-sama. Mas nakagagawa tayo ng mabuti kung tayo ay may social support system. Nagaganap sa larangan ng pageehersisyo, sa pagaaral, sa paghahanapbuhay, at sa mga gawaing spiritwal.
Ang maliliit na grupo ay isa sa mga paraan ng Diyos para sa:

1. pagpapalago ng ating pananampalataya
2. pagdagdag ng kaalaman sa Kanyang Salita
3. pagpapalalim ng ating buhay panalangin at
4. pagbibigay ng kakayanan para sa ating pagsaksi

Agosto 30 - Linggo - Maliliit na Grupo: Unang Ideya ng Diyos

 Ang ideya ng paggawa sa pamamagitan ng maliliit na grupo ay unang nagmula sa Diyos. Ang unang maliit na grupo sa kasaysayan ng paglalang at pagliligtas sa tao ay binubuo ng Ama, Anak, at ng Espiritu Santo.

Genesis 1: 1, 2 - 1Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. 2At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. 

Genesis 1:26 - At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis.

Hebreo 1:1, 2 - Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, 2Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan;Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo;At maipakita sa lahat ng mga tao kung ano ang pagiging katiwala sa hiwaga na sa lahat ng panahon ay inilihim ng Dios na lumalang ng lahat ng mga bagay

Paano inihahayag ng mga talatang nabanggit ang pagkakaisa ng kadiyosan? ____________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

Ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu bilang isang maliit na grupo ay may malinaw na layunin upang matubos ang lahi ng tao mula sa kasalanan tungo sa kaligtasan. 

Ang pangunahing layunin ng maliliit na grupo sa paaralang Sabado ay tungkol sa paghikayat ng mga kaluluwa na mapaglilingkuran ng maliit ng grupo. Hindi lang upang matulungan ang isa't-isa kundi upang makatulong sa iba.

Ang hiwaga ng pagkakaisa ng kadiyosan ay mahirap unawain subalit maaari nating paniwalaan, pagtiwalaan at tularan.



Agosto 31 - MALIIT NA GRUPO SA KASULATAN

Napakaraming halimbawa ng maliliit na grupo sa Banal na Kasulatan. Ang maliliit na grupo ay nagbibigay ng oportunidad upang ang lahat na kaanib ay magkaroon ng bahagi sa pagpapasulong ng gawain ng iglesya.

Exodo 18:21-25 -  21. Bukod dito'y hahanap ka sa buong bayan ng mga taong bihasa, gaya ng matatakutin sa Dios, na mga taong mapagpatotoo, na mga napopoot sa kasakiman; at siyang mga ilagay mo sa kanila, na magpuno sa mga lilibuhin, magpuno sa mga dadaanin, magpuno sa mga lilimangpuin, at magpuno sa mga sasangpuin: 22. At pahatulan mo sa kanila ang bayan sa buong panahon: at mangyayari, na bawa't malaking usap ay dadalhin nila sa iyo, datapuwa't bawa't munting usap, ay silasila ang maghahatulan: sa ganyan ay magiging magaan sa iyo, at magpapasan silang katulong mo. 23. Kung gagawin mo ang bagay na ito, at iuutos sa iyong ganyan ng Dios ay iyo ngang mababata, at ang buong bayan namang ito ay uuwing payapa.
24. Sa gayon, ay dininig ni Moises ang kaniyang biyanan, at ginawang lahat yaong sinabi. 25. At pumili si Moises ng mga lalaking bihasa sa buong Israel, at ginawa niyang pangulo sa bayan, na mga puno ng lilibuhin, mga puno ng dadaanin, mga puno ng lilimangpuin, at mga puno ng sasangpuin.


Kaloob ng Diyos na payo kay Moises  ________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

"Pumili si Moises ng mga lalaking may kakayahan sa buong Israel at ginawa niyang pinuno sila sa bayan, mga pinuno ng libu-libo, ng daan daan, ng lima-limampu, at ng sampu-sampu." Exodo 18:25.

2. Lucas 6:12, 13 - "Siya'y pumili mula sa kanila ng labindalawa na itinalaga niyang mga apostol.

3. Mateo 10:1 - Pagkatapos ay tinawag ni Jesus ang kanyang labindalawang alagad, at kanyang binigyan sila ng kapangyariahan sa masasamang espiritu, upang kanilang mapalaya sila at pagalingin nila ang bawa't sakit at karamdaman.

4.  Marcos 3:13-15 - Siya'y umahon sa bundok at tinawag niya ang kanyang mga naibigan at lumapit sila sa kanya. Humirang siya ng laibindalawa na tinawag din niyang mga apostol upang sila'y makasama niya at upang sila'y suguin niyang mangaral, at magkaroon ng kapangyarihang magpalaya sa ng mga demonyo.

Ibahagi ang iyong karanasan na ikaw ay kabahagi ng isang maliit na grupo - Ano ang natutunan mo doon na makatutulong upang maunawaan ang kahalagahan ng maliit ng grupo sa konsteksto ng ating pananampalataya?


Setyembre 1 - INORGANISA PARA SA PAGLILINGKOD

1 Corinto 12:12-25 - 12Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa, at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan, bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo. 13Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong lahat ay pinainom sa isang Espiritu.

14Sapagka't ang katawan ay hindi iisang sangkap, kundi marami. 15Kung sasabihin ng paa, Sapagka't hindi ako kamay, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan. 16At kung sasabihin ng tainga, Sapagka't hindi ako mata, ay hindi ako sa katawan; hindi nga dahil dito'y hindi sa katawan. 17Kung ang buong katawan ay pawang mata, saan naroroon ang pakinig? Kung ang lahat ay pawang pakinig, saan naroroon ang pangamoy. 18Datapuwa't ngayo'y inilagay ng Dios ang bawa't isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling. 19At kung ang lahat nga'y pawang isang sangkap, saan naroroon ang katawan? 20Datapuwa't maraming mga sangkap nga, nguni't iisa ang katawan. 21At hindi makapagsasabi ang mata sa kamay, Hindi kita kinakailangan: at hindi rin ang ulo sa mga paa, Hindi ko kayo kailangan. 22Hindi, kundi lalo pang kailangan yaong mga sangkap ng katawan na wari'y lalong mahihina: 23At yaong mga sangkap ng katawan, na inaakala nating kakaunti ang kapurihan, sa mga ito ipinagkakaloob natin ang lalong saganang papuri; at ang mga sangkap nating mga pangit ay siyang may lalong saganang kagandahan; 24Yamang ang mga sangkap nating magaganda ay walang kailangan: datapuwa't hinusay ng Dios ang katawan na binigyan ng lalong saganang puri yaong sangkap na may kakulangan; 25Upang huwag magkaroon ng pagkakabahabahagi sa katawan; kundi ang mga sangkap ay mangagkaroon ng magkasing-isang pagiingat sa isa't isa. 

Ang ministeryo ng maliit na grupo ay inordinahan ng Diyos para tulungan ang bawa't kaanib ng iglesya na lumago sa espiritu, makaranas ng mainit na pagsasama-sama, at magamit sa paglilingkod ang mga kaloob na ibinigay sa kanila ng Diyos.

Paano maisasakatuparan sa inyong iglesya ang paya ng Diyos tungkol sa maliit ng grupo para sa paggawa?

Testimonies for the Church Vol. 7 pp 21-22 - "Ang pagbuo ng maliliit na pulutong bilang isang basehan ng Cristiyanong pagsisikap ay naipakita sa akin ng isang Di-nagkakamali. Kung may malaking bilang sa iglesya, hayaang mabuo ang iglesyasa maliliit na pulutong, upang gumawa hindi lamang para sa mga kaanib ng iglesya, kundi para sa mga di-mananampalataya. Kung mayroon lamang dalawa o tatlong nakakikilala sa katotohanan sa isang lugar, hayaan silang mabuo sa isang pangkat ng manggagawa. Hayaan silang panatilihin ang kanilang bigkis ng pagkakaisa na dinasisira, malapit na nagsasamasama sa pagibig at pagkakaisa, pinasisigla ang isa't-isa para sumulong, bawa't isa ay nagkakamit ng tapang at lakas mula sa pagtulong ng iba."



Setyembre 2 - Maliit na grupo sa Bagong Tipan

1. Inihasik ng ministerio ni Cristo ang binhi ng ebanghelyo upang matanggap ng maraming tao ang pangangaral ni Cristo.
2. Bumaba ang Banal na Espiritu na may kapangyarihan noong araw ng Pentecostes sa mga nananalangin at naniniwalang mga alagad.
3. Ang pangorganisasyong estraktura ng maliliit na mga grupo ay gumawa ng malaking pagkakaiba sa gawain ng iglesya.

Gawa 18:1-5  Pagkatapos ng mga bagay na ito'y umalis siya sa Atenas, at napasa Corinto. 2At nasumpungan niya ang isang Judio na nagngangalang Aquila, isang lalaking tubo sa Ponto, na hindi pa nalalaong nanggagaling sa Italia, kasama ni Priscila na kaniyang asawa, sapagka't ipinagutos ni Claudio na ang lahat ng mga Judio ay magsialis sa Roma: at siya'y lumapit sa kanila; 3At sapagka't ang hanap-buhay niya'y gaya rin ng kanila, ay nakipanuluyan siya sa kanila, at sila'y nagsigawa: sapagka't ang hanap-buhay nila'y gumawa ng mga tolda. 4At siya'y nangangatuwiran tuwing sabbath sa sinagoga, at hinihikayat ang mga Judio at ang mga Griego.
5Datapuwa't nang si Silas at si Timoteo ay magsilusong mula sa Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si Jesus ang siyang Cristo.

Gawa 20:1-4  At pagkatapos na mapatigil ang kaguluhan, nang maipatawag na ni Pablo ang mga alagad at sila'y mapangaralan, ay nagpaalam sa kanila, at umalis upang pumaroon sa Macedonia. 2At nang matahak na niya ang mga dakong yaon, at maaralan na sila ng marami, siya'y napasa Grecia. 3At nang siya'y makapaggugol na ng tatlong buwan doon, at mapabakayan siya ng mga Judio nang siya'y lalayag na sa Siria, ay pinasiyahan niyang bumalik na magdaan sa Macedonia. 4At siya'y sinamahan hanggang sa Asia, ni Sopatro na taga Berea, na anak ni Pirro; at ng mga taga Tesalonicang si Aristarco at si Segundo; at ni Gayo na taga Derbe, at ni Timoteo; at ng mga taga Asiang si Tiquico at si Trofimo.

Gawa 16:11-15, 40 Pagtulak nga sa Troas, ay pinunta namin ang Samotracia, at nang kinabukasa'y ang Neapolis; 12At mula doo'y ang Filipos, na isang bayan ng Macedonia, na siyang una sa purok, lupang nasasakupan ng Roma: at nangatira kaming ilang araw sa bayang yaon. 13At nang araw ng sabbath ay nagsilabas kami sa labas ng pintuan sa tabi ng ilog, na doo'y sinapantaha naming may mapapanalanginan; at kami'y nangaupo, at nakipagsalitaan sa mga babaing nangagkatipon.

14At isang babaing nagngangalang Lidia, na mangangalakal ng kayong kulay-ube, na taga bayan ng Tiatira, isang masipag sa kabanalan, ay nakinig sa amin: na binuksan ng Panginoon ang kaniyang puso upang unawain ang mga bagay na sinalita ni Pablo. 15At nang siya'y mabautismuhan na, at ang kaniyang mga kasangbahay, ay namanhik siya sa amin, na sinasabi, Kung inyong inaakalang ako'y tapat sa Panginoon, ay magsipasok kayo sa aking bahay, at kayo'y magsitira doon. At kami'y pinilit niya.

40 At sila'y nagsilabas sa bilangguan, at nagsipasok sa bahay ni Lidia: at nang makita nila ang mga kapatid, ay kanilang inaliw sila, at nagsialis.

Gawa 12:11, 12 - At nang si Pedro ay pagsaulian ng isip, ay kaniyang sinabi, Ngayo'y nalalaman kong sa katotohanan ay sinugo ng Panginoon ang kaniyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa buong pagasa ng bayan ng mga Judio. 12At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin.

NAISIP MO NA BA ANG PAGSISIMULA NG ISANG MINISTERIO NG MALIIT NA GRUPO SA INYONG TAHANAN O PINAGTATRABAHUHAN? O PAGSAMA SA ISANG KAIBIGAN UPANG MAGSIMULA NG MINISTERIO NG ISANG MALIIT NA GRUPO?

Setyembre3 - Mga Pagkilos ng Maliit na Grupo

1. Isang kasangkapan ng Diyos sa pagpapalago ng iglesya.
2. Kanlungan upang maipahayag ng mga ao ang kanilang problema at pagusapan ang nagkakaisang kapakanan.
3. Oportunidad sa paglagong espiritwal sa konsteksto ng nagmamalasakit na mga relasyon.
4. Maraming mga di-Kristiyano ang sa umpisa ay mas komportable sa pakikibahagi sa isang maliit na grupo  na nagpupulong sa isang tahanan kaysa dumalo sa isang tradisyunal na pagsamba sa isang iglesya sa unang pagkakataon.

Gawa 4:31 -  At nang sila'y makapanalangin na, ay nayanig ang dakong pinagkakatipunan nila; at nangapuspos silang lahat ng Espiritu Santo, at kanilang sinalita na may katapangan ang salita ng Dios

Gawa 12:12 - At nang siya'y makapagnilay na, ay naparoon siya sa bahay ni Maria na ina ni Juan na may pamagat na Marcos; na kinaroroonan ng maraming nangagkakatipon at nagsisipanalangin.

Gawa 20:17-19, 27-32 - At mula sa Mileto ay nagpasugo siya sa Efeso, at ipinatawag ang mga matanda sa iglesia. 18At nang sila'y magsidating sa kaniya, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman ninyo, na mula nang unang araw na ako'y tumungtong sa Asia, kung paano ang pakikisama ko sa inyo sa buong panahon, 19Na ako'y naglilingkod sa Panginoon ng buong pagpapakumbaba ng isip, at ng mga luha, at ng mga pagsubok na dumating sa akin dahil sa mga pagbakay ng mga Judio;.

Sapagka't hindi ko ikinait ang pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios. 28Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo. 29Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; 30At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan. 31Kaya nga kayo'y mangagpuyat, na alalahaning sa loob ng tatlong taon ay hindi ako naglikat sa gabi at araw ng paalaala sa bawa't isa na may pagluha. 32At ngayo'y ipinagtatagubilin ko kayo sa Dios, at sa salita ng kaniyang biyaya, na makapagpapatibay, at makapagbibigay sa inyo ng mana sa kasamahan ng lahat na mga pinapaging banal.

Mateo 9:37, 38 - Nang magkagayo'y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana'y ang aanihin ay marami, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa. 38Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.



No comments:

Post a Comment