Friday, August 28, 2020

Sabbath School Lesson Summary and Discussion Questions for August 29, 2020

 Ang saloobin at pakikitungo ni Jesus sa mga tao ay nahahayag sa kanyang abilidad na tanggapin at pagtibayin ang mga tao. Hinding hindi si Jesus nagpakita ng katiting na pagmamataas o pangingibabaw kaninuman sapagkat ang lahat ng tao ay nilikha sa wangis ng Diyos. Dahilan upang tayo ay magkaroon ng ganon ding saloobin at magkaroon ng ganon ding abilidad upang ang ating tanggapin at patibayin ang mga tao.

Mga tanong para sa talakayan sa klase:

1. Ano ang saloobin ni Jesus na nahahayag sa Kanyang pakikitungo sa mga tao?

2.  Paano ni Jesus pinakitunguhan ang babaeng taga Samaria?

3. Anong saloobin ang kinakailangang mahayag sa ating pakikitungo sa mga tao?

4. Paano tayo nagakakaroon ng saloobin na katulad ng saloobin ni Jesus upang ang ating pakikitungo sa mga tao ay makaakay sa kanila sa pagtanggap kay Jesusat sa katotohanan na ibig ng Diyos maibahagi sa kanila?

5. Ano ang kahulugan ng mensahe na inihahayag sa Dasire of Ages pp. 286, 287 "Kay Kristo ang kabaitan ng pastol, ang pagmamahal ng magulang, at ang walang kaparis na biyaya ng maawaing Tagapagligtas.Inihaharap Niya  ang mga ito sa pinaka kasiya-siyang paraan, para gisingin ang pagnanais na magkaroon ng mga ito. Kaya kinakailangang iharap ng Kanyang mga lingkod ang mga yaman ng kaluwalhatian ng di-mailarawang kaloob. Lulusaw at magpapasuko ng mga puso ang kamangha-manghang pagibig ni Cristo, kung wala nang magagawa ang asta-basta paguulit lamang ng mga doktrina. 'Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Diyos.' 'Umakyat ka sa mataas na bundok, O Zion, tagapagdala ng mabubuting balita, itaas mo ang iyong tinig na may kalakasan, O jerusalem, tagapagdala ng mabubuting balita, itaas mo, huwag kang takot, sabihin mo sa mga lungsod ng Juda, Tingnan ang inyong Diyos!... Kanyang pakakainin ang Kanyang kawan na gaya ng isang pastol, kanyang titipunin ang mga kordero sa kanyang bisig, at dadalhin sila sa kanyang kandunga, at maingat na papatnubayan iyong may mga anak.' Isaias 40:1, 9-11." Ellen G White, The Desire of Ages, pp 826, 827.

No comments:

Post a Comment